Ilang Kongresista, nais ipabuwag ang Bureau of Customs
Pinag-iisipan na ng ilang kongresista ang pagpapabuwag sa Bureau of Customs.
Ayon kina Visayan bloc at Housing Committee Chair Albee Benitez at Ways and Means Committee Chair Dakila Karlo Cua, ito ay kung lalabas sa imbestigasyon ng Kamara kung gaano kalawak ang korupsyon sa BOC.
Binigyang-diin ni Cua na mabigat ang testimonya ni Customs broker Mark Taguba nang isiniwalat nito na nagbibigay siya ng lagay sa BOC sa kanyang mga transaksyon.
Kailangan aniya nilang malaman kung hanggang saan umaabot ang korupsyon sa BOC para masimulan ang kanilang ninanais na pagpapabuwag dito.
Ayon kay Benitez, panahon na para magkaroon na ng panibagong ahensya ng Customs sapagkat matagal na rin itong nababalot ng katiwalian.