Ilang kongresista umapela kay Pangulong Duterte na dagdagan ang sahod ng mga guro at kawani ng gobyerno
Umapela sina Acts Teachers Representatives Antonio Tinio at France Castro kay Pangulong Duterte na bigyan ng dagdag sahod ang mga guro at iba pang kawani ng pamahalaan sa susunod na taon.
Nababahala sina Tinio at Castro na hindi kasama sa latag ng 3.8 trillion 2018 budget ang umento sa sahod ng mga taga gobyerno.
Binanggit ni Tinio na sa ilalim ng Philippine Development plan para sa taong 2017 hanggang 2022 o sa kabuuan ng termino ng Pangulo ay hindi kasama ang dagdag sahod sa mga nasa burukrasya.
Higit na ikinaaalarma nina Tinio at Castro ay may mga kalihim sa gabinete na tutol sa pagbibigay ng dagdag sweldo at isa na dito si Budget Secretary Benjamin Diokno na siya pa namang namumuno sa Development Budget Coordination Committee na bumubuo ng pambansang pondo.
Ang 2018 National budget ay ang kauna-unahang National budget ng Duterte administration kaya inaasahan ng Act Teachers Representatives na hindi mapag-iiwanan dito ang mga empleyado ng pamahalaan lalo na ang pampublikong guro.