Ilang Korte sa Batangas, pansamantalang isinara
Ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara ng ilang hukuman sa Batangas matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilang Court personnel.
Sa Joint Memorandum ng mga Executive judge ng Lipa City, Batangas Regional Trial Court at Municipal Trial Court in Cities (MTCC), sinabi na sarado mula August 15, 2020 hanggang August 29, 2020 ang MTCC Branch 1 ng Lipa City.
Inatasan din ang mga kawani ng hukuman na nagkaroon ng direct contact sa nagpositibong court employee na sumailalim sa PCR swab test at ipaalam sa Office of the Executive Judge ang resulta.
Pero, habang hinihintay ang resulta ng kanilang Covid test, ang mga apektadong court personnel ay dapat munang mag-work from home at istriktong manatili sa kanilang bahay.
Samantala, sarado naman hanggang sa August 28, 2020 ang Municipal Circuit Trial Court ng Malvar-Balete, Batangas.
Sa memorandum ng Executive judge, ipinag-utos din sa lahat ng kawani at acting Presiding judge ng nasabing Korte na sumailalim sa self-quarantine at swab test.
Ulat ni Moira Encina