Ilang korte sa Central Luzon at CALABARZON, sarado para sa quarantine at disinfection
Naka-lockdown ang ilang hukuman sa Regions III at IV-A para sa quarantine ng mga kawani at disinfection ng mga gusali.
Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, pisikal na sarado hanggang sa Agosto 11 ang Balagtas, Bulacan Municipal Trial Court habang hanggang Agosto 5 ang Malolos City, Bulacan Regional Trial Court Branches 11 at 104.
Sa Laguna naman ay sarado ang Calamba City Municipal Trial Court in Cities Branch 2 hanggang Agosto 13.
Hanggang Agosto 11 naman ang physical closure ng Lucena City MTCC Branch 1.
Pero, bukas ang official hotlines at email addresses ng mga nasabing korte.
Una nang nagisyu ang Korte Suprema ng mga panuntunan sa operasyon ng mga hukuman sa labas ng Metro Manila sa panahon ng lockdown.
Para sa mga korte sa labas ng NCR na nasa ilalim ng ECQ at MECQ ay sarado ang mga hukuman at tanggapan nito pero maaaring magsagawa ng videoconferencing hearings sa mga urgent na kaso.
Bukas naman ang mga korte na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ pero maaari rin itong magdaos ng fully remote videoconferencing hearings.
Moira Encina