Ilang lansangan sa Q.C. at Caloocan, isasailalim sa repair at reblocking ngayong weekend
Pitong mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang isasara mamayang alas 11:00 ng gabi sa pagpapatuloy ng Department of Public works and highways o DPWH ng pagkumpuni at reblocking.
Ayon kay DPWH National Capital Region Director Melvin Navarro, isasailalim sa repair ang mga sumusunod:
- Outer lane ng Visayas Avenue sa harap ng Department of Agriculture o DA
- 5th lane sa Edsa, pagitan ng Landers st. hanggang Howmart
- 1st lane sa Congressional avenue extension, kanto ng Tandang Sora Avenue
- 3rd lane sa Congressional avenue mula Edsa hanggang Cagayan St.
- Inner lane sa Quirino highway mula T. Urbano hanggang Pagkabuhay road
- Middle lane ng A. Bonifacio avenue mula Calavite St. hanggang Mariveles St.
- Middle lane, Southbound direction ng A. Bonifacio avenue patawid ng Sgt. Rivera
Magsasagawa rin ng repair sa Northbound direction ng Bonifacio Monumento Circle, Caloocan City.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng DPWH ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong lansangan upang maiwasan ang matinding trapiko sa mga ginagawang kalye.
Muli namang bubuksan sa mga motorista ang mga nasabing kalye sa Lunes, alas 5:00 ng umaga.
=== end ===