Ilang lugar sa Metro Manila at Bulacan na sineserbisyuhan ng Maynilad, may water interruption ng 2 araw
Ilang lugar sa Metro Manila at Bulacan na sineserbisyuhan ng Maynilad water services, Inc. ang makararanas ng water interruption sa loob ng dalawang araw.
Sa anunsyo ng Maynilad, magsisimula ang mahinang water pressure o pagkaantala ng tubig sa Linggo, October 18 hanggang sa Lunes, October 19.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Bulacan partikular ang dalawang Meycauayan water district at ang Obando water district mula alas-dose ng tanghali ng October 18 hanggang alas-siyete ng umaga ng October 19.
Sa Caloocan ay ang Barangay 165, 166, 167 at 168, mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-9 ng gabi ng October 18.
Quezon City: sa mga Barangay ng Capri, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Novaliches proper, San Agustin at Santa Monica, alas-12 ng tanghali hanggang alas-9 ng gabi ng October 18.
Habang sa Valenzuela ay ang mga Barangay Balangkas, Bisig, Coloong, Islam Mabolo, Malanday, Maysan, Poblacion, Polo, Tagalag at Wawang Pulo naman, simula alas-12 ng tanghali ng Ocotber 18 hanggang alas-5 ng madaling-araw ng October 19.
Sa Valenzuela city pa rin ay mga Barangay Arkong Bato, Canumay West, Dalandanan,Gen. T. De Leon, Karuhatan, Lingunan, Malinta, Marulas, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Paso de Blas, Pasolo, Rincon at Veinte Reales mula alas-12 ng tanghali ng October 18 hanggang alas-7 ng umaga ng October 19.
Kasama rin sa mga apektadong lugar sa Valenzuela ay ang Bagbaguin, Bignay, Canumay East, Punturin at Ugong, mula naman alas-12 ng tanghali hanggang alas-9 ng gabi ng October 18.
Ayon sa Maynilad, magsasagawa sila ng maintenance activities sa Valenzuela at Quezon City upang mapabuti pa ang serbisyo ng tubig sa west zone.
Kabilang dito ang pagkukumpuni ng interconnection ng dalawang primary lines sa kahabaan ng Pase de Blas road, kanto ng Fortune drive sa Valenzuela city at preventive maintenance works sa North B Pumping station sa La Mesa compound sa QC.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption