Ilang lugar sa QC, Pasay, Makati, Parañaque, mawawalan ng tubig
Mawawalan ng tubig ang ilang barangay na sineserbisyuhan ng Maynilad sa Quezon City, Pasay, Makati at Parañaque simula ngayong Lunes ng gabi.
Narito ang schedule ng water interruption:
Ang pagkawala ng tubig ay dahil sa gagawing repair at maintenance works sa mga sumusunod na lugar:
1. Pagkukumpuni ng tumatagas na 3-ft.-diameter pipeline sa West Service Road kanto ng Sitio Wella, Pasay City
2. Maintenance activities sa Villamor Pumping Station, Pasay City
3. Pagkakabit ng 1.3-ft-diameter flowmeter sa Arnaiz kanto ng Manila South Diversion Road, Makati City
4. Leak repair at maintenance works sa North C Pumping Station at North C Annex sa Quezon City.
5. Interconnection ng mga bagong latag na pipelines sa Barangay Batasan Hills, Commonwealth at Payatas, Quezon City
6. Decommissioning ng lumang pipeline sa Barangay Santa Lucia, Quezon City.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.
Nakahanda naman ang mobile water tankers ng Maynilad para mag-deliver ng malinis na tubig kung kinakailangan.
Pinapayuhan rin ang mga apektadong residente na kapag nagkaroon na muli ng tubig, hayaan muna itong dumaloy hanggang sa maging malinaw.