Ilang lungsod sa Metro Manila, nagsuspinde ng klase dahil sa malakas na buhos ng ulan
Dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan, nagsuspinde na ng klase ang ilang Lungsod sa Metro Manila.
Simula kagabi ay nakararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at mga kalapit lalawigan dahil sa umiiral na habagat.
Narito ang listahan ng suspensyon ng klase ngayong araw, July 26, 2017:
Malabon City – all levels, public at private
Navotas City – pre-school hanggang senior high school, public and private
Valenzuela City – pre-school hanggang senior high school, public and private
Caloocan City – all levels, public at private
Ang mga paaralan namang nasuspinde ng klase ay ang:
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Valenzuela Polytechnic College
Our lady of Fatima University Valenzuela campus
at UE Caloocan campus
Maagang nagtaas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan dahil sa pag-ulan na dulot ng habagat.