Ilang magsasaka sa Occidental Mindoro, sumailalim sa 2 days training para sa Organikong Agrikultura

Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay tungkol sa iba’t ibang paksa sa Organikong Agrikultura ang mga miyembro ng isang samahan ng mga magsasaka sa Barangay Calawag, Magsaysay, Occidental Mindoro. 


Idinaos ito sa covered court  ng nabanggit na barangay. 

Sa naturang pagsasanay,  itinuro sa mga dumalong magsasaka kung paano sila makagagawa ng mga organikong produkto gamit ang natural o likas na kaparaanan. 


Binigyang-diin sa mga dumalo ang kahalagahan ng wastong paggamit ng organic base solution.


Itinuro din sa mga dumalo sa nasabing pagsasanay ang paggawa ng organic foliar fertilizer at ang kahalagahan nito upang maging mataba at malago ang mga pananim.


Sa ikalawang bahagi ng pagsasanay,  natutunan ng mga participants ang paggawa ng ibat ibang uri nh organic foliar fertilizers tulad ng fermented plant juice,  fermented golden apple snail at indigenous micro organisms.


Ayon sa Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development Program o SAAD, malaki ang naitulong ng dalawang araw na training sa mga magsasaka dahil magagamit nila ang kaalaman at teknolohiyang naituro sa kanila na may kinalaman sa organikong pagsasaka upang mapaunlad ang kanilang buhay at pamumuhay sa pagtatanim gamit ang organikong agrikultura. 

Belle Surara

Please follow and like us: