Ilang matatataas na opisyal ng DepEd at DBM sinuspende ng Ombudsman
Pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng office of the ombudsman ang ilang matataas na opisyal ng Department of Education o DEpEd at Department of Budget and Management o DBM.
kabilang sa mga sinuspinde ng ombudsman ay sina deped ay sina;
DepEd undersecretary for finance Annalyn Sevilla,
DepEd undersecretary Alain del Pascua,
DepEd assistant secretary Salvador Malana III, at
DepEd director Abraham Abanil,
DBM procurement service undersecretary Lloyd Christopher Lao,
PS DBM director Jasonmer Uayan.
Sa resolusyon na pirmado ni Ombudsman Samuel Martirez, kinakitaan ng mga ebidensya na nagsabwatan umano ang nabanggit na mga opisyal para matuloy ang overprized na kontrata sa ilalim ng DepEd computerization program.
Matatandaang una nang inirekomenda ng senate anti-graft panel ang pagsasampa ng kaso laban sa matataas na opisyales ng DepEd at DBM dahil sa umanoy ma-anomalyang pagbili ng mga laptop na nagkakahalaga ng 2.4 billion pesos noong kasagsagan ng COVID 19 pandemic.
Vic Somintac