Ilang menor de edad sa Maynila,matuturukan na ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine
Umabot na sa mahigit 49 libong menor de edad na nasa edad 12 hanggang 17 anyos ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID- 19 vaccine sa Maynila.
Kaugnay nito, sinabi ng Manila LGU na ngayong araw, sisimulan na nila ang pagtuturok ng pangalawang dose ng bakuna sa mga nakatanggap ng 1st dose ng Pfizer vaccine noong October 25.
Ang second dose vaccination gagawin sa 6 na district hospitals sa Maynila gaya ng Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Justice Jose Abad Santos Hospital, Ospital ng Sampaloc, at Ospital ng Tondo.
Magsasagawa na ng COVID-19 vaccination sa mga menor de edad sa ilang paaralan sa lungsod gaya ng Gregorio Perfecto High school, Felipe G. Calderon High school, Jose Abad Santos High school, Ramon Magsaysay High school, Manuel Roxas High school, at Emilio Aguinaldo High school.
Paalala naman sa mga magulang, isang companion lang ang pwedeng sumama sa babakunahan.
Bukod rito, may bakunahan pa rin para sa 1st dose sa 6 na district hospitals sa lungsod.
Maliban naman sa pagbabakuna sa mga menor de edad, may bakunahan rin para sa iba pang miyembro ng populasyon.