Ilang mga main roads sa CAR, sarado dahil sa bagyong Ompong
Sarado sa mga motorista ang ilang mga pangunahing kalsada sa Cordillera Administrative Region dahil sa Bagyon Ompong.
Ayon sa DPWH, isinara na sa trapiko ang Kennon Road patungong Baguio City.
Gayundin ang Abra-Ilocos Norte Road at bahagi ng Nagaparan , Danglas sa Abra dahil sa road collapse at damaged slope protection.
Sa Benguet, hindi na pwedeng daanan ang Acop-Kapangan-Bakun Road dahil sa road slip.
Sa Kalinga, sarado ang Tabuk-Banaue Road via Tanudan-Barlig Road at bahagi ng Dumanay Section, Tanudan dahil sa over saturation ng lupa at on going restoration doon.
Hindi rin pwedeng madaanan sa Kalinga ang Mt Province Boundary-Calanan-Pinukpuk-
Habang sa Mt Province ay di pwedeng daanan ang Junction Talubin-Barlig-Natoniin-
Ulat ni Moira Encina