Ilang Senador, hindi pabor na luwagan ang Quarantine restriction
Hindi pabor ang ilang Senador na luwagan ang Quarantine classification sa Metro Manila ngayong may nararanasan pa ring Covid-19 Pandemic.
Iginiit ni Senador Christopher Bong Go na dapat masimulan muna ang pagbabakuna bago payagang buksan ang mas maraming negosyo at payagang lumabas ang mas maraming tao.
Delikado pa rin aniya na kumalat ang virus lalu na sa Metro Manila na episentro ng Pandemya.
Mas mahalaga aniya ang buhay kumpara sa kikitain sa pagbubukas ng mga negosyo.
Samantala, sinabi naman ni Senador Sonny Angara na nauunawaan niya ang kahalagahan ng pagbubukas ng ekonomiya ngunit sana ay dahan-dahanin muna ito lalu na sa matataong lugar.
Kung siya aniya ang tatanungin, mas dapat ipatupad ang MGCQ sa mga lalawigan na mas mababa ang kaso ng Covid-19.
Meanne Corvera