Ilang miyembro ng NPA nagrally sa Maynila, problema sa ekonomiya sa ilalim ng administrasyong Duterte,binatikos
Sumugod sa istasyon ng LRT line 2 sa Recto, Maynila ang ilang miyembro ng New People’s Army o NPA.
Mabilis na nagprograma ang mga ito sa paanan ng LRT para batikusin ang pamahalaang Duterte.
Nakatakip ang mukha ng mga nagpakilalang miyembro ng NPA at National Democratic Front of the Phillipines.
Tinuligsa ng grupo ang anilay matinding krisis sa ekonomiya sa bansa at ang alyansa ng administrasyon Duterte at ng US government.
Bukod dito ay ang implementasyon ng TRAIN law na nagdulot anila ng paglobo ng presyo mga bilihin.
Iginiit nila na rebolusyon ang solusyon sa problema sa kahirapan.
Pagkatapos ng programa ay mabilis nilang iniligpit ang mga dalang bandera at placards at kanya-kanyang pulasan sa gitna ng maraming tao.
Walang pulis sa lugar kaya tuluy-tuloy lang ang isinagawang rally ng rebeldeng grupo.
Ulat ni Moira Encina