Ilang OFW, nagprotesta sa tanggapan ng DOLE
Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment ang ilang Overseas Filipino Workers.
Panawagan nila,sana daw ay alisin na ng DOLE ang deployment ban sa Saudi Arabia.
Matatandaang una ng naglabas ng deployment ban ang dole noong nakaraang taon matapos magreklamo ang libo- libong OFW sa Saudi na hindi umano pinapasweldo ng kanilang employers.
Ayon sa OFW na si Redentor, napapanahon ng bawiin ang deployment ban lalo na at patuloy parin ang pandemya.
Maraming OFW ang may kontrata na sana sa saudi at dapat ay nakakatulong na sa pag angat ng ekonomiya ng bansa.
Panawagan din nila, maresolba na ang sigalot sa Department of Migrant Workers para magampanan na nito ang mandato na matulungan ang mga OFW.
Sa panig ng DOLE, sinabi ni Rolly Francia, direktor ng information and publication service ng kagawaran, na nananatili parin ang deployment ban sa Saudi.
Una rito, nagkaroon ng kalituhan matapos na mag-isyu ng Department order si Migrant workers Secretary Abdullah Mama-o na nagsasabing inalis na ang deployment ban sa Saudi pero ang DOLE naman nanindigang hindi pa ito binabawi.
Madelyn Villar-Moratillo