Ilang opisyal ng Kapa Community Ministry International naghain na ng kontra- salaysay sa DOJ
Itinuloy ng DOJ Panel of Prosecutors ang pagdinig sa reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa mga opisyal ng Kapa Community Ministry International Incorporated na isinasangkot sa investment scam.
No show pa rin sa pagdinig ang mga opisyal ng Kapa.
Pero isinumite ng mga abogado nila ang kontra-salaysay ng apat sa mga respondents.
Partikular na ang counter-affidavit nina Kapa founder at President Joel Apolinario, Kapa corporate secretary Reyna Apolinario, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.
Ayon sa kanilang abogado na si Mae Divinagracia, hiniling nila sa DOJ na mabasura ang reklamo o kaya ay masuspinde ang pagdinig..
Una nang pinanumpaan ng apat ang kanilang kontra-salaysay sa Provincial Prosecutor ng Sarangani.
Dumalo rin sa hearing ang isa sa mga respondent na si Moises Mopia pero hindi pa siya nakapaghain ng kontra -salaysay.
Itinakda ng DOJ ang susunod na hearing sa August 5 pata sa pagsusumite ng counter-affidavit ng iba pang respondents.
Ulat ni Moira Encina