Ilang paaralan sa Maynila, nagsuspinde ng klase dahil sa ASEAN 50
Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng ASEAN sa taong ito.
Ilang paaralan sa Maynila ang nagsuspinde ng klase ngayong araw dahil na rin sa posibleng maapektuhan ang mga estudyante ng road closure sa Maynila.
Ilan sa mga paaralan na nagsuspinde ng klase ay ang dela Salle University, Manila, (all levels & work), at Manila Tytana Colleges (all level).
Matatandaang nagpalabas na ng abiso ang MMDA sa publiko ukol sa magiging road closure at traffic re-routing na magsisimula mamayang alas dos ng hapon hanggang alas-nueve ng gabi sa lugar na pagdarausan ng pagdiriwang ng 50th Golden anniversary ngayong araw partikular na sa kahabaan ng Roxas Blvd. hanggang sa CCP complex sa Pasay City.
May alternatibong ruta na maaaring daanan ang mga motorista ito ay ang Finance Road, Raft Avenue, Buendia at Macapagal-Diokno Blvd.
Mahigpit din ipapatupad ng mga otoridad ang total truck ban.
Ulat ni: Jet Hilario