Ilang paaralan sa Maynila, nagsuspinde ng panghapong klase matapos ang 6,3 na lindol

Suspendido na ang pasok sa ilang kolehiyo at paaralan sa Maynila.

Kabilang sa mga paaralang nagsuspende na ng panghapong pasok ay ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ,dela Salle University , Manila Tytana Colleges ,FEU at Phil. Womens University.

Ginawa ng mga pamunuan ng mga nabanggit na paaralan ang suspensyon para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral matapos ang lindol.

Sumunod na ring nagsuspende ng klase ang ibang paaralan sa labas ng Metro Manila tulad ng FEU Makati , Lyceum Batangas , dDLSU Makati, bBGC, Laguna at Dasmarinas.

Nauna nang inihayag ng Phivolcs na asahan ang mga aftershock matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa Nasugbo ,Batangas na naramdaman din sa ibat ibang lugar sa Luzon.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *