Ilang pagkain na hindi dapat na ibinibigay sa baby -ayon sa mga eksperto

 

Halos lahat ng mga magulang ay concerned sa kalusugan ng kanilang anak …mula sa pagiging sanggol nito hanggang sa sila ay mag aral na sa preparatory at elementary level.

Sa mga pag aaral ng mga eksperto, sinasabing may ilang mga pagkain na hindi dapat na ibigay lalo na at baby pa ang  bata.

Kabilang dito ang mga pagkaing sagana sa asin, sagana sa asukal o matatamis, gatas ng baka at mga pagkaing tinatawag na choking hazard tulad ng kendi, chewing gum, peanut butter at iba pag upang maiwasan na sila ay mabulunan.

Samantala, sinabi  ni Dra. Issa Gonzales, isang Pediatrician, may mga dapat na gawin ang isang magulang  upang mapanatili  ang kalusugan ng kanilang anak.

Dra. Issa Gonzales, Pediatrician:

“Yung mga magulang huwag nyo kakalimutan talaga ang proper nutrition, proper hydration very very important —so you give them the proper vitamins, enough fluids, enough vegetables and then mga fruit intakes, very very good.   now for any signs of cough and colds  just make sure na hindi ito ung  mga severe na kagaya ng sinabi natin na allegic rhinitis, asthma kasi pag  iyan kinakailangan talaga ng immediate care.”

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *