Ilang pang opisyal ng Kapa, naghain ng kontra -salaysay sa DOJ
Dalawa pang opisyal ng Kapa Community Ministry International ang naghain ng kontra- salaysay sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa reklamong isinampa ng Securities and Exchange commission (SEC).
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng DOJ, pinanumpaan ng mga respondents na sina Marisol Diaz at Moises Mopia ang kanilang counter- affidavit.
Sina Diaz at Mopia ay kabilang sa mga kinasuhan ng SEC ng paglabag sa Securities Regulation Code dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.
Hindi naman na nagtakda ng panibagong hearing ang DOJ Panel of Prosecutors ukol sa reklamo.
Sa halip magsusumite na lamang ang SEC ng reply affidavit sa August 15 sa DOJ panel.
May sampung araw naman ang kampo ng mga Kapa officials magmula nang matanggap nila ang tugon ng SEC para maghain ng rejoinder affidavit.
Ayon sa SEC, mala- ponzi scheme ang investment program ng Kapa dahil sa sobrang laking alok na interes.
Wala ring permiso ang paghingi ng Kapa ng investment na paglabag sa Securities regulation code.
Ulat ni Moira Encina