Ilang pangalan ng mga kongresista nabanggit sa mga reklamong iniimbestigahan ng Task Force Against Corruption
Nagbigay ng update ang Department of Justice o DOJ kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga imbestigasyon ng Task Force Against Corruption.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, isinumite nila noong Lunes sa pangulo ang update sa mga ongoing investigations ng task force.
Inihayag ng kalihim na nabanggit ang pangalan ng ilang kongresista sa ibang mga reklamo na iniimbestigahan ng task force.
Kaugnay nito, sinabi ni Guevarra na hindi pa niya nakikita ang report ng Presidential Anti- Corruption Commission sa Pangulo kaugnay sa mga kongresistang dawit sa katiwalian sa mga DPWH projects.
Anya kung kumpleto na ang nasabing report ay maaari na itong isampa direkta ng PACC sa Office of the Ombudsman.
Pero kung hindi anya ay pwede itong irefer ng presidente sa Task Force Against Corruption para sa validation o case build-up.
Kinumpirma naman ng kalihim na dalawang pangalan ng kongresista na nasa PACC report ay kasama sa mga isinasangkot sa reklamo na isinumite sa task force.
Tumanggi si Guevarra na tukuyin kung sinu-sino ang mga ito hanggat mayroon silang substantial na ebidensya.
Moira Encina