Ilang pangunahing kalsada sa CAR sarado parin sa mga motorista
Ilang pangunahing kalsada pa sa mga lugar na dinaanan ng bagyong betty ang sarado parin sa mga motorista.
Sa report ng Department of Public Works and Highways, sa Cordillera Administrative Region ay hindi pa pwedeng daanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang bahagi ng Kennon Road o iyong nasa Camp 6 sa Tuba, Benguet dahil sa gumuhong lupa.
Pinapayuahan ang mga apektadong motorista na dumaan muna sa Marcos Hi-way at Baguio – Bauang road.
Pero may bahagi ng Baguio – Bauang road, Gibraltar road, Baguio – Itogon road, Mt Province – Ilocos Sur at Balbalan – Pinukpuk road ang isang linya lang ang pwedeng daanan dahil sa gumuhong lupa.
Nagsasagawa naman na ng clearing operation ang DPWH sa mga apektadong kalsada.
Sa Western Visayas naman hindi parin passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang Iloilo-Antique road Paliwan Bridge at Sibalom Pis-anan road dahil sa baha.
Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na dumaan muna sa Iloilo-Capiz-Aklan-Antique road.
Madelyn Villar – Moratillo