Ilang pangunahing kalsada sa Visayas at Mindanao,sarado
Ilang pangunahing kalsada sa Visayas at Mindanao ang sarado ngayon sa mga motorista dahil sa epeko ng bagyong Odette.
Sa monitoring ng Department of Public Works and Highways, kabilang sa mga apektado ay ang 2 pangunahing lansangan sa Central Visayas, 5 sa Northern Mindanao, at 8 sa Caraga Region dahil sa mga pagbaha, pagguho ng lupa, nagbagsakang mga puno, at napinsalang tulay.
Sa Region 7 o Central Visayas, sarado muna ang Junction ng Buenavista-Carmen-Danao-Jetafe Road sa bayan ng Carmen at Tagbilaran East Road, Poblacion sa bayan ng Alicia sa Bohol.
Sa Region 10 o Northern Mindanao, apektado rin ang ilang kalsada sa Bukidnon, Cagayan de Oro City, Iligan City, Gingoog City, at Misamis Oriental.
Kabilang rito ang Junction SH Aglayan – Alanib – Ticalaan Road (Aglayan – Basak) sa Barangay Lirongan, Talakag, Bukidnon dahil sa gumuhong lupa; Butuan City-Cagayan de Oro City-Iligan City Road sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City dahil sa pagbaha; Sta. Felomina -Bonbonon – Digkilaan – Rogongon Road sa Barangay Digkilaan, Iligan City dahil sa gumuhong lupa; Gingoog – Claveria – Villanueva Road sa Brgy. Samay, Gingoog City dahil sa landslide; at Gingoog – Claveria – Villanueva sa Brgy. Aposkahoy, Claveria, sa Misamis Oriental dahil sa gumuhong lupa.
Walong kalsada naman ang apektado sa Agusan del Norte, Dinagat Islands, at Surigao del Sur partikular sa Daang Maharlika (Surigao-Agusan Sect), sa Brgy. Mabini sa Cabadbaran City; Butuan City-Malaybalay Rd sa Brgy. San Mateo, Butuan City; Daang Maharlika (Surigao-Agusan Sect), sa Brgy. De Oro, Butuan City; Mayor Democrito D. Plaza II Ave sa Brgy Mahay, Butuan City; Pianing Bridge Butuan City-Pianing-Tandag Rd. sa Brgy. Pianing, Butuan City; Butuan City-Pianing-Tandag Rd. sa Brgy. Anticala, Butuan City; Dinagat-Loreto Road sa Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands; Surigao-Davao Coastal Rd sa Brgy. Nurcia, Lanuza, Surigao.
Sa Corrales Extension St. – Port Road sa Puntod, Cagayan de Oro City naman ay malalaking sasakyan lang ang makakadaan dahil sa baha; Dinagat-Loreto Road sa Diegas, (Basilisa) Rizal at sa Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands naman ay maliliit na sasakyan lang ang pwedeng dumaan dahil sa nagbagsakang puno; Daang Maharlika (Surigao-Agusan Sect) sa Bgry. Poblacion, R.T. Romualdez, Agusan del Norte at Daang Maharlika (Agusan-Davao Sect) sa San Vicente, Sibagat, Agusan del Sur naman ay malalaking sasakyan lang din ang pwedeng dumaan dahil sa baha. Tiniyaknaman ng DPWH na kumikilos na ang kanilang Quick Response Teams para magsagawa ng clearing operations sa mag saradong kalsada.
Ayon sa DPWH, 13 kalsada na ang cleared at nabuksan na sa mga motorista.
Madz Moratillo