Ilang paraan para maiwasan ang Skin Allergy ngayong tag-init
Iba’t ibang allergies sa katawan ng tao ang maaaring maranasan kapag mainit ang panahon.
Isa dito ay skin allergies.
Ayon kay Dra. Grace Beltran, isang Dermatologist, nagaganap ang skin allergies kapag ang balat ay nag-o-over react sa isang bagay, halimbawa ay matinding sikat ng araw o kaya naman ay may nakain na hindi tanggap ng sistema ng kanyang katawan.
Magdudulot ito ng pamumula at pangangati ng balat at maaari pang magkaroon ng maliliit na paguumbok ng balat.
Kabilang sa sanhi ng pagkakaroon ng skin allergies ay pollen, dust mites, at alikabok sa hangin.
Sinabi ni Dra. beltran na ang madalas na pagpapaswis ay maaaring maging sanhi ng skin irritation.
Kapag laging pinapawisan, mas madaling kumapit ang dumi sa katawan na nagiging dahilan ng pangangati nito.
Isa aniya sa pinakamabisang paraan ay proper hygiene o pagiging malinis sa katawan.
Bukod dito, panatilihing hydrated ang katawan sa pamamagitan ng madalas na pag-inom ng tubig.
Kung lumabas ang sintomas tulad ng pangangati, pamumula, at pamamaga, mahalagang kumunsulta na agad sa manggagamot tulad ng Dermatologist.
Belle Surara