Ilang paraan upang maging Healthy at Active ang ating Brain
Napakahalagang habang tumatanda ay aktibo at malusog ang ating brain o utak.
Kaya naman, marami sa ating mga kababayan na may edad 60 pataas o ang mga Senior Citizens ay conscious sa pagpapanatiling healthy hindi lamang ang kanilang pisikal na kalusugan kundi maging ang kanilang brain o utak.
Kaugnay nito, isang online webinar na pinangunahan ng isang kilalang Global Nutrition Company ang isinagawa.
Tinalakay sa nabanggit na webinar ang paksang “Healthy Aging: Brain Fitness for Healthy Adults”.
Panauhing tagapagsalita si Dr. Gary Small, Professor of Psychiatry and Aging sa University of California sa Los Angeles at Member Nutrition Advisory Board.
Ayon kay Dr. Small, may ilang paraan upang maging malusog at aktibo ang ating utak.
Kabilang dito ang pag inom ng tubig, lalo na ngayong nararanasan ang matinding init ng panahon.
Aniya, mahalagang umiinom ng anim hanggang walong basong tubig kada araw dahil ito ay makatutulong upang maimprove ang memory, concentration at mental quickness.
Kasama din ang pagkain ng healthy diet.
Mas maraming gulay at prutas, mas mainam sa kalusugan ng katawan at pag-iisip.
Nakatutulong ang pagkakaroon ng sapat na tulog dahil mapapaunlad nito ang mental alertness at concentration.
Kahit na may edad na, mahalagang may isinasagawang pag-e-exercise.
Malaki ang maitutulong nito para mag-release ng endorphins upang hindi maramdaman ang mga negatibong damdamin tulad ng stress, anxiety, sleep problems at depression.
Binanggit din ni Dr. Small na mainam sa isip o utak ang puzzles halimbawa ay crossword dahil makapagpapababa ito ng panganib sa pagkakaroon ng age related memory disease tulad ng Alzheimers disease.
Belle Surara