Ilang Pinoy pabor na palitan ang pangalan ng NAIA
Walang nakikitang masama ang ilang Pilipino sa panukalang batas na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kaugnay ito sa panukalang batas sa Kamara na Ferdinand Marcos International Airport ang itawag sa NAIA.
Naniniwala ang ilan sa mga Pinoy na nakausap ng NET25 news team na tama lang na palitan na ang pangalan ng NAIA.
Sang-ayon din ang ilan na tawagin ang paliparan ng bansa sunod sa pangalan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Madami naman anilang nagawang mabuti si Marcos Sr. nang ito ang presidente ng bansa.
Gayunman, para sa iba dapat anilang mas iprayoridad ng mga mambabatas ang mas malalaking isyu at problema ng bansa gaya ng kahirapan.
Iminungkahi naman ng ilan na sa halip na isunod sa pangalan ng mga pangulo o mga tao ay dapat ibalik sa Manila International Airport ang tawag sa paliparan gaya sa ibang bansa na nakasunod sa pangalan ng bansa o kapitolyo.
Moira Encina