Ilang pinoy seafarer nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa ibang bansa
Ilang pinoy seafarer ang nagpositibo sa covid-19 pagdating sa kanilang port of destinations mula sa Pilipinas.
Sa Kapihan sa Maynila Bay news forum, sinabi ni POEA Admnistrator Bernard Olalia, na sa impormasyon na ipinadala sa kanila ng Chinese Embassy, may 29 pinoy seafarer na dumating sa China ang nagpositibo sa covid 19.
Hindi naman aniya maiwasang magduda ng embahada sa integridad ng ginawang covid-19 test sa mga nasabing pinoy dahil bago sila umalis ng bansa ay negatibo ang resulta ng ginawang pagsusuri sa kanila.
Tiniyak naman ni Olalia na walang nakakalusot na pekeng resulta ng covid-19 test sa kanila.
Agad naman aniya silang nakipag ugnayan sa manning agency ng mga nasabing OFW para alamin ang sitwasyon.
Batay naman aniya sa paliwanag ng manning agency ng mga ito maraming factors ang nakaapekto kaya nagpositibo sa virus ang mga nasabing pinoy.
Kaugnay nito inatasan na ni Olalia ang lahat mg manning agency na magreport sa kanila hinggil sa monitoring ng mga ito sa kanilang mga idineploy na seafarers.
Madz Moratillo