Mga tumakbong Presidentiable, Inirekomendang bigyan ng posisyon sa gobyerno
Inirekomenda ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee na mabigyan ng posisyon sa gobyerno ang mga kumandidato sa pagka Pangulo.
Ang grupong MRRD-NECC ang isa sa mga grupong nangampanya para sa tambalan nina presumptive President Bongbong Marcos at presumptive Vice president Sara Duterte.
Ayon sa grupo, kwalipikado naman sa pwesto ang mga nakalaban ni BBM tulad nina Senador Ping Lacson at Manila mayor Isko Moreno.
Maganda aniya ang plataporma ng mga kandidato para umusad lalo na ang ekonomiya ng gobyerno.
Bukod sa kanilang experience sa public service, makakatulong raw ito para sa isinusulong na unity ng Marcos administration.
Isinusulong naman ng grupo na sa halip na sa DEPED, dapat italaga si Duterte bilang kalihim ng sandatahang lakas ng bansa.
Bukod sa pagiging matapang may experience na raw si Duterte dahil isa rin itong Reserve Military Officer.
Meanne Corvera