Ilang public school teacher sa QC, nabakunahan na kontra Covid-19

Tuluy-tuloy ang vaccination program ng Quezon city para sa mga priority group category.

Ngayong araw, ilang mga guro mula sa mga pampublikong paaralan ang nabakunahan sa lungsod.

Isinagawa ang pagbabakuna sa Quezon City hall grounds at sponsored ng Quezon City Public School Teachers Association (QCPSTA).

Nasa 500 slots ang inilaan para sa mga guro mula sa QC District.

Ang mga guro ay kabilang sa A4 category.

Samantala, hinihikayat ng city government ang mga business establishment sa lungsod na may minimum na 100 empleyado, na magparehistro na sa company-assisted booking ng QC.

Kailangan lamang maglaan ang mga establisimyento ng sariling vaccination area at medical team at ang city government na ang magbibigay ng mga bakuna.

https://qcprotektodo.ph/business-registration-form/
Please follow and like us: