Ilang Holiday sa bansa, inamyendahan
Magiging working holiday na ang ilan sa mga deklaradong Special non-working holiday sa bansa.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1107 na nababago sa ilang deklaradong Regular at special non-working holiday.
Sa ilalim ng Proklamasyon, may pasok na ang mga petsang November 2 (All Souls Day), December 24 at December 31 (New Year’s eve) na dati ay deklaradong mga non-working holiday.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, binawasan ang mga araw na walang pasok sa trabaho para matulungan ang ekonomiya ng bansa na makabawi mula sa matinding epekto ng Covid-19 Pandemic.
Please follow and like us: