Ilang retired military at PNP officials , nagpahayag ng suporta sa Lacson – Sotto tandem
Lumagda sa isang manifest of support ang may pitumpung retiradong militar at police officials para sa kandidatura nina Presidential candidate Ping Lacson at Vice presidential candidate Vicente Sotto III.
Kabilang sa mga lumagda sa manifesto sina dating DICT Secretary Eliseo Rio, Retired police general Congressman Romeo Acop,Major general Carlos Tanega, Colonel Mariano Santiago, dating Senador Orly Mercado, dating defense Usec Honorio Azcueta.
Ayon kay Acop, lumantad ang tinawag nilang Lacson- Sotto support group na binubuo ng mga retiradong pulis at sundalo para ipakita na hindi nag-iisa si Lacson sa kanyang laban sa pagkapangulo.
Nakita raw nila ang kakayahan nitong pamunuan ang bansa dahil sa kanyang kakayahan at katapangan.
Sinusuportahan aniya nila ang laban nito dahil bilang dating kasamahan sa trabaho kilala nila na may integridad, may code of honor at hindi kailanman nasangkot sa kurapsyon.
Para sa kanila si Lacson ang magiging sagot sa matagal nang inaasam na tunay na pagbabago ng bansa.
Si Lacson rin daw ang nakikita nilang lider na kayang protektahan ang interes at teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine sea.
Bukod sa tulong pinansyal, inamin ng mga retiradong pulis at sundalo na nangagampanya sila sa ground at sa pamamagitan ng social media.
Meanne Corvera