Ilang Rice retailers nagprotesta sa ipinatupad ng price cap ng bigas
Nagprotesta ang ilang rice retailer sa ipinatupad na price cap sa bigas ng administrasyon na nagtatakda ng 41 hanggang 45 pesos sa kada kilo ng bigas.
Sa pamamagitan yan ng kanilang inilagay na signage sa mga ibinebentang bigas
Sa Alabang central market sa Muntinlupa, naglagay ang mga tindera ng tag kung saan nakasulat ang “lugi” sila sa pagbebenta ng 45 pesos na kada kilo ng well milled rice dahil 48 ang puhunan.
Isang kilo kada tao lang rin ang pwedeng bilhin ng bawat consumer.
Sa Cuyapo public market sa Nueva Ecija, pahirapan na ang pagbili ng bigas
Maraming tindahan kasi ng bigas ang nagsara.
Tumangging humarap sa camera ang mga tindera pero katwiran nila bukod sa wala ng mabiling murang bigas wala na silang kikitain, malulugi pa kapag nagbenta ng bigas batay sa itinakdang price cap ng administrasyon.
Itinuro naman ni senador Cynthia Villar ang mga traders at cartel kasama na mga ahensyang kasabwat nito na umanoy lumilikha ng artificial shortage para magmahal ang presyo ng bigas
Iginiit ng senador na walang kakulangan sa suplay ng bigas kaya walang dahilan para magtaas ng presyo
“Walang shortage ng rice, gumagawa lang artificial para maipagbili nila ng mahal. Iniisip ko how you stop that price cap… Yung makikinabang kapag tinanggal RTL kasi dyan tinanggal natin sa nfa importation. Hindi nila makontrol noon nung ipinasa namin RTL nakontrol,. ayaw nila marenew RTL.” pahayag ni senador Cynthia Villar
Yung cartel kasi tinanggalan ng powers ngayon kasi anybody can import provided na you can pay 35% tarrif.
Pero ang mga trader at wholesaler ng bigas, umalma naman at iginiit na hindi dapat isisi sa kanila kung kulang ang suplay at nagmahal ang presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay Orly Manuntag ng Philippine Rice Industry stakeholders movement, hindi nila mina-manipula ang presyo ng bigas
Mataas talaga aniya ang puhunan ngayon ng bigas dahil lean months ibig sabihin walang bigas na ipino- produce ang mga local rice farmers at lahat ng suplay ng bigas imported.
“Ngayon ay lean months season ibig sabihin walang local harvest sa mga probinsya tumaas ang palay alam naman natin na dalawang sunod na bagyo those were the factors nagkasabay alam din naman ito ng gobyerno at ng DA pag palay tumaas tataas talaga ang presyo.” paliwanag ni Orly Manuntag ng Philippine Rice Industry Movement
Tumaas aniya ang presyo ng bigas dahil sa ipinatupad na ban sa importation ng India at ang pinakabago ay ang Myanmar.
Apila nila sa pangulo, makipagdayalogo sa mga traders at retailers ng bigas bago tuluyang magkaroon ng krisis sa bigas at buhayin ang National Food authority Para balansehin ang sitwasyon sa merkado
“Kung meron activity malalaman sa invoices ang nangyari po dito pinaparatangan smugglers hoarders walang sapat na paglilitis isang tao bago due process nagkaroon social media tv network nakakaawa mga kasamahan na traders…. Lahat po ng customer ng India 40 percent ng suplay nag-declare Vietnam Thailand, Myanmar disruption supply sa abroad.” karugtong na paliwanag ni Manuntag.
Desidido naman ang senado na napapanahon nang repasuhin ang Rice Tarrification Law
Hindi kasi natupad ang pangako ng mga economic managers na bababa ang presyo ng bigas kapag naipatupad ang batas
“We have to review the tarrification law pangako nila sa amin nandito kami including at that time RTL like a magic one wala naman nangyari, sobrang mahal pa ng presyo ng bigas hindi ko maintindihan bakit nagkaproblemang ganun.” pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Meanne Corvera