Ilang sakit na dapat bantayan bukod sa Covid 19 ngayong tag-ulan
Iba’t ibat uri ng sakit ang maaaring maranasan ngayong tag-ulan na dapat bantayan bukod sa Covid-19 upang hindi mapinsala ang kalusugan.
Ayon kay Dr. Louie Gutierrez, ENT Specialist mula sa East Avenue Medical Center, dulot ito ng viral o bacterial infection.
Kabilang dito ang upper respiratory tract infections, dengue, leptospirosis, cholera at marami pang iba.
Kaugnay nito may ibinigay na health tips si Dr. Gutierrez:
“Well para maiwasan po natin ito, dapat nating palakasin ang ating immune system, tayo po ay dapat magkaroon ng tamang tulog at kumain ng masustansyang pagkain at huwag din nating kalimutang kumunsulta agad sa duktor kapag tayo ay may nararamdaman na mga sintomas na maaaring dulot ng mga sakit na ito. – Dr. Louie Gutierrez, ENT specialist, EAMC
Ulat ni Belle Surara