Ilang sasakyang pangdagat sa Southern Tagalog hindi muna naglayag bungsod ng masamang panahon
Dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat na pinalakas ng bagyong Falcon, may ilang sasakyang pangdagat sa Southern Tagalog ang hindi muna naglayag.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, may 4 na sasakyang pangdagat ang stranded sa Balanacan port sa Marinduque, Cotta Port sa Quezon Province at San Agustin Port sa Romblon.
Mayroon namang 10 vessels ang naka shelter bilang pag-iingat.
Tiniyak naman ng PCG ang 24/7 monitoring para matiyak ang mabilis na pagresponde sakaling magkaroon ng anumang insidente sa karagatan.
Madelyn Moratillo
Please follow and like us: