Ilang Senador kumbinsidong hindi makakatulong ang Charter Change
Nagpahayag ng pagdududa sina Senators Joel Villanueva at Senate President Pro -tempore Ralph Recto na makakatulong ang Charter Change sa pagresolba sa mga problema ng bansa.
Bukas sa ChaCha si Villanueva, pero hindi pa kumbinsido na may pangangailangan para gawin ito.
Naniniwala si Villanueva na maari namang daanain sa paggawa ng batas ang pagresolba sa mga suliranin ng bansa na nais matugunan sa pamamagitan ng pag amyenda o pagbabago sa ating Konstitusyon.
Para naman kay Senator Recto, mas makabubuting pagtuunan ng pansin ang mga problema sa bansa kaysa madaliin ang chacha.
Pangunahin na rito ang lumalalang problema sa trapik, at patuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin.
Nangangamba si Recto na baka sa halip na makakalutas ay lalo lang makapagpalala ang chacha sa mga problemang nararanasan ngayon ng mga Filipino.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===