Ilang Senador nagbabala sa panganib ng pagpapatibay ng National ID System
Nagbabala si Senador Leila de Lima na maaring malabag ang karapatang pantao sakaling simulang ipatupad ang National ID system.
Ayon kay De Lima labag sa Saligang Batas ang National ID system dahil maaring magamit ito para maabuso ang mga basic rights.
Kabilang na rito ang right to life, right to liberty, at right to due process.
Nangangamba ang Senador na paraan ito para palakasin ang kapangyarihan ng estado at sikilin ang pribadong buhay ng mga indibidwal.
Sen. De Lima:
“Isang pagkakamali ang magpasa ng batas na magpapalakas pa sa kapangyarihan ng Estado para supilin ang mga karapatan ng taumbayan.Sa pagsulong ng batas na ito, para nating tinutukan ng baril ang ating mga ulo, na puwedeng kalabitin ng gobyerno kung kailan man niya naisin na gamitin ang bagong batas laban sa atin”.
Ulat ni Meanne Corvera