Ilang senador nakukulangan sa detalye ng ikalawang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos
Kinuwestyon ni senate minority leader Aquilino koko Pimentel ang inilabas na datos ng pangulo hinggil sa 95 percent ng mga pinoy ang may trabaho.
Ayon kay Pimentel, kailangang ipaliwanag ng administrasyon saan kinuha ang datos dahil maraming mga filipino ang walang trabaho.
Paano rin aniya nag-translate sa job creation ang mga biyahe ng Pangulo.
“Yung issues talaga sa trabaho ay 96 percent masyadong mataas eh tignan ano ba klaseng employment mayroon mga kababayan natin kung titignan ang figure practically full employment eh i do not believe it because i could see unepmployment around, halos full employment working force considered full employment far from reality medyo hindi naman makarecover lahat.” Paliwanag ni senador Pimentel.
Bukod sa employment, hindi binanggit ng Pangulo ang wage increase para sa mga ordinaryong mangagawa
“No mention about wage hike – how about national legislated minimum wage and a lot of other things?” dugtong na paliwanag pa ni Pimentel.
Pagpapaliwanagin naman ni senador Jinggoy Estrada ang Department of Labor ano basehan ng report ng Pangulo hinggil sa employment.
“Yung employment rate siguro nag-improve naman pero i don’t think it is that high. I still don’t want to comment kasi di ko alam ang data.” Pahayag naman ni senador Jinggoy Estrada
Kahit wala rin aniyang pahayag ang Pangulo sa umento sa sahod tuloy ang pagdinig ng senado sa isyu.
“Puso ni Presidente nasa ating mga mangagawa kaya hindi binanggit nagkaroon na ng desisyon ang regional wage board sa Metro Manila feeling ko karagdagang sahod hindi lang sa metro manila kundi sa buong bansa.” Patuloy na pahayag ni senador Estrada
Sabi ni senate majority leader Joel Villanueva, inaasahan niya sana na may babanggitin ang Pangulo sa isyu ng girian sa west philippine sea pero walang pahayag ang pangulo.
“That is something looking forward hindi na satisfy mga nangyayari na hindi natin alam why he did not mention west phil sea” pahayag ni senador Villanueva
Pero masaya ang mga mambabatas na nagbigay ng warning ang pangulo laban sa mga smugglers ng mga agricultural products.
Ayon kay senador Grace Poe, bagamat hindi rin kasama sa priority legislation ang water resources department gagawin itong prayoridad ng senado.
Maganda rin aniya na binanggit ng Pangulo ang pagpapa-review sa mga kontrata ng National Grid Corporation of the Philippines.
Isang babala aniya ito na may nagbabantay sa kanila at ito ay ang Pangulo
“Maganda na ire-review niya uli itong agreement with the NGCP kasi sinasabi niya ilang lugar na hindi konektado hindi pa electrified is babantayan… medyo makalabit naman sila na may nagbabantay sa inyo.” ayon kay senadora Grace Poe.
Sabi ni senador Alan Peter Cayetano, malinaw ang mga instructions ng Pangulo lalo na laban sa mga smugllers at iba pang magiging direksyon ng gobyerno
“I think he just reflected yung sense ng ating kababayan yung bigat ng problema pero may sense, very hopeful na maso-solve kahit bigyan ng comprehensive… yes.” pahayag naman ni Cayetano.
Meanne Corvera