Ilang Senador pinag aaralan ang pagsasampa ng ethics complaint laban kay Sen. Trillanes

Pinag-aaralan na ni Senador JV Ejercito ang posibleng pagsasampa ng reklamo sa Senate Committee on Ethics laban kay Senador Antonio Trillanes.

Kasunod ito ng alegasyon ni Trillanes na nawala na ang pagiging independent ng mga Senador katunayan ay mga duwag at puppet na ng Duterte administration.

Ayon kay Ejercito, kukonsultahin niya ang mga kasamahang Senador hinggil sa isyu.

Katwiran ni Ejercito, nakakasira sa Senado bilang isang institusyon si Trillanes at tila hindi na akma ang inaasal nito para sa isang mambabatas.

Iginiit ni Ejercito na hindi maaring diktahan ang dalawamput tatlong Senador na may kanya kanya namang pag-iisip.

Kinumpirma naman ng Chairman ng Ethics Committee na si Senador Vicente Sotto na maaring magsagawa ng motu propio investigation laban sa isang mambabatas.

Pero mas makabubuti aniyang may magsampa ng kaso laban dito para hindi maakusahang pinepersonal ang isang Senador na bumabatikos laban sa administrasyon.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *