Ilang Senador, tutol na unahin ang Chacha

Hindi kumbinsido si Senador Richard Gordon sa hirit ng Pangulong Duterte na paspasan ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno at bilisan ang pag amyenda sa 1987 Constitution.

Ang pahayag ay ginawa ni Gordon matapos igiit ni Pangulong Duterte sa kongreso na unahin ang Charter Change sa halip na madaliin ang panukalang Bangsamoro Basic law.

Pero ayon kay Gordon, payag siya sa amyenda at pagpapalawig sa economic provisions ng Saligang Batas upang pumasok ang mga investors at dumami ang trabaho.

Pero hindi siya papayag na basta na lamang babaguhin ang form of government at kailangan pa itong isailalim sa masusing pag-aaral.

Ang problema aniya sa chacha, kapangyarihan ng gobyerno ang laging iniisip ng mga nakaupo sa gobyerno sa halip na unahin ang malakatulong sa pangangailangan ng publiko.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *