Ilang sundalo sa Marawi City, nagkakasakit na

Nagkakasakit na ang ilang sundalo na nasa loob ng war zone para pulbusin ang natitirang teroristang Maute-ISIS sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ito ang inamin ni Joint Task Force Marawi Spokesperson Capt. Joan Petinglay.

Ayon kay  Petinglay  ilan sa mga sundalo ay dinapuan na ng dengue.

Inihayag pa ni Petinglay na may ilang sundalo na rin ang tinamaan ng bacteria at virus.

Sa ngayon,  nasa ika-63 na araw na ang government forces na nakatutok sa war zone, mahigit 400 na mga terorista , 114 sundalo at 45 sibilyan na rin ang nasawi dahil sa krisis na nagsimula noong Mayo 23, 2017.

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *