Ilang survey firm, inakusahan ng dalawang presidentiables na nabayaran para paboran ang ilang kandidato sa eleksyon sa Mayo
Inakusahan nina Presidential candidate Ping Lacson at Isko Moreno ang ilang survey firm na nabayaran para paboran umano ang ilang kandidato sa eleksyon sa Mayo.
Ayon kay Moreno, may hawak siyang ebidensya laban sa Pulse asia at SWS na naimpluwensyahan na umano ng ilang tinawag niyang political oligarchs para manipulahin ang resulta.
Posibleng hindi aniya alam ng Pulse asia at SWS dahil ang mga datos ay naididikta ng mga nasa ground na nagsasagawa ng survey.
Tumanggi muna si moreno na maglabas ng detalye dahil bine verify pa ang ilang impormasyon.
Ayon naman kay Senador Lacson, may ilan nang nagbigay sa kanya ng payo
para pasukin ang gumagawa ng fieldwork para umangat sila sa survey.
Marami aniya sa mga kumukuha ng survey ina outsource lang ng mga survey firm.
Kaya hindi matiyak ang integridad ng kanilang isinusumiteng mga resulta.
Wala pang pahayag ang mga survey firm hinggil dito.
Meanne Corvera