Ilang tourism establishment at sites sa Bukidnon nakakabawi na
Naapektuhan man ng pandemya ang water resort pero nakababawi na ang mga establisiyimento ngayong dumarayo na muli ang mga turista sa Bukidnon.
Hinimok ng Regional tour guide na si Nilo Lazarito ang mga turista na bisitahin ang Bukidnon dahil sa maraming maiaalok ito mula sa farm tourism, adventure tourism, food tourism at sa mayamang kultura ng lugar.
Sa Bukidnon kamakailan isinagawa ng DOT ang groundbreaking ng tourist rest area na layong mapaganda ang overall tourist experience.
Ang Bukidnon na kilala sa malamig na klima at magagandang tanawin ng mga bundok at kalikasan ay maaari ring dayuhin lalo na ng adventure seekers at nature lovers dahil sa ibat ibant eco adventure at forest park sa dahilayan.
Gayundin ang atv o all-terrain vehicle rides sa Kitaotao, Bukidnon.
Puwede ring puntahan sa Dahilayan bukidnon ang Eco farm at lodging house na puno ng Antiques at Historical artifacts.
Maliban sa mga pinya, isa rin sa mga pangunahing produkto ng Bukidnon ay ang kape.
May mga nature farm sa rehiyon na puwedeng bisitahin ng turista kung saan makikita ang pagluluto nito.
Nasa Bukidnon din ang Philippine Carabao Center at ang Central Mindanao University kung nasaan ang kaisa isang fernery sa bansa.
Matatagpuan naman sa Kitaotao, Bukidnon ang Strawberry farm at iba pang mga local produce gaya ng mga kabute at iba pang tanim na inihahain sa farm to table restaurant at glamping site doon.
Ikinalugod ng mga business owner na unti unti na ring dumarami ang customers nila.
Malaking tulong anila ang colors of mindanao campaign at ang promosyon ng DOT para magpuntahan muli ang mga turista sa lugar at lumakas ang negosyo.
Tiwala ang DOT at ang tourism establishments na magandang oportunidad ang panahong ito sa ilalim ng marcos administration para muling maredeem ang turismo ng bansa at muling makapag-ambag sa gross domestic product ng Pilipinas.
Moira Encina