Ilang Vaccine developers, aminadong bawas na ang effectivity ng kanilang bakuna sa mga bagong variant ng Covid-19
Sa kabila ng pagkakaroon ng mga bagong Variant ng covid 19, nananatili pa ring epektibo ang mga nadevelop na bakuna laban sa virus na ito.
Pero ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, apat na vaccine developer ang nagsabi na bagamat epektibo pa rin ang kanilang bakuna laban sa mga bagong variant na naglabasan ngayon ay bawas na ang effectivity nito.
Tumanggi naman si Guevarra na tukuyin kung ano anong bakuna ang mga ito.
Habang may ilan naman naman aniyang vaccine developer ang nagsasagawa ng mga karagdagang pag aaral para alamin ang epekto ng mga bagong variant na ito.
Una rito, iginiit ng mga eksperto at maging Department of Health (DOH) na kahit mabakunahan kontra Covid-19 ay hindi nangangahulugan na hindi na mahahawa sa virus.
Sa ngayon ang pangako palang aniya ng bakuna ay hindi magkakaroon ng malalang Covid 19 ang mga nabakunahan at mas mababa ang kanilang tyansa na maospital o masawi dahil dito.
Madz Moratillo