Iligal na sand castle sa Boracay, sinira ng mga otoridad
Sinira ng mga pulis ang mga illegal sand castle sa baybayin sa isla ng boracay, dahil sa paglabag sa municipal ordinance 246 o “An Ordinance Regulating Sand Castle Making on the Beaches of Boracay”.
Ayon sa pahayag ni Police Senior Insp. Mark Anthony Gesulga, hepe ng Boracay Tourist Assistance Center, ang mga mahuling lumabag sa ordinansa ay posibleng pagmultahin ng mula Php2000 at ng pagkakulong ng isang buwan.
Napag-alaman na ang paggawa ng sand castle sa isla ay kinakailangan ng regulatory fee at permit mula sa munisipyo.
ulat ni Alan Gementiza
Please follow and like us: