Iligan City-based corporation ipinagharap ng Tax Evasion complaint sa DOJ dahil sa mahigit 52 milyong hindi binayarang buwis
Sinampahan ng reklamong Tax Evasion ng BIR sa DOJ ang isang korporasyon mula sa Iligan City dahil sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2012 na umaabot sa mahigit 52 milyong piso.
Reklamong Willful Failure To Pay Taxes sa ilalim ng Tax Code ang inihain ng BIR laban sa OMASS Messengerial & Gen. Services Inc. at sa mga opisyal nito na sina RODRIGO C. MARATA (President), ROMEO T. OMANDAM (Vice President), BONIFACIO P. AYAWAN (Treasurer), at ROGELIO SUMINGUIT (Secretary).
Mahigit 52.32 milyong piso ang hinahabol na buwis ng BIR laban sa mga respondents.
Tuluyan nang inireklamo ng BIR sa DOJ ang nasabing korporasyon dahil sa pagtanggi na bayaran ang kanilang tax liability sa kabila ng mga abiso mula sa kawanihan.
Moira Encina