Illegal drugs case vs 10 suspek na nakuhanan ng 1.5 tons shabu sa Infanta, Quezon, submitted for reso na ng DOJ
Idineklarang submitted for resolution ng DOJ ang reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs law laban sa mga suspek na nahulihan ng mahigit isang tonelada ng shabu sa Infanta, Quezon.
Ayon kay Senior State Assistant Prosecutor Mary Jane Sytat na supervising inquest prosecutor, hindi naghain ng anumang mosyon ang mga respondents kaugnay sa reklamong transportation of illegal drugs.
Ang 10 arestadong suspek ay isinalang sa inquest proceedings kung saan sila sinampahan ng nasabing illegal drugs complaint ng NBI.
Ang mga suspek ay nirepresenta ng mga abogado mula sa Public Attorney’s Office na nagpabatid sa kanila sa kinakaharap na kaso.
Kinilala ang mga suspek na sina:
1) JAMELANIE SAMSONO y CABIAO;
2) REYNANTE ALPUERTO y ANE;
3) JENARD SAMSON y CABIAO;
4) MARK BRYAN ABONITA y LLANES;
5) DANTE MANOSO y CATALAN;
6) KENNEDY ABONITA y LLANES;
7) MARVIN GALLARDO y HANDEZA;
8) EUGENE PANDOMA y GACUTAN;
9) ALVIN EVARDO y ALONZO; at
10) JAYMANTE GALLARO y HANDEZA.
Ang mga suspek ay sakay ng tatlong van kung saan nakuha ang 1.5 tonelada ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php11 bilyon.
Ang mga shabu ay nakalagay sa nasa 1,500 pakete ng tsaa o tea bags
Sinabi ng NBI na ang nasabat na iligal na droga ay ang pinakamalaki sa kasaysahan ng bansa.
Moira Encina