Ilocos 6 pinalaya na

Matapos ang halos dalawang buwang pagkakadetine sa Kamara, makakauwi na sa kanilang probinsiya ang tinaguriang Ilocos 6.

Ito ay matapos na ipag-utos na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagpapalaya kina Pedro Agcaoili, Chairperson ng Provincial Planning and Development Office ng Ilocos Norte,  Provincial treasurer na si Josephine Calajate, Provincial Accountant na si Eden Battulayan,Provincial Treasurer’s Office Staff na sina Encarnacion Gaor, at Genedine Jambaro, at Provincial Budget Officer Evangeline Tabulog.

Binawi na rin ng komite ang kanilang contempt order laban sa anim.

Ito ay matapos ang ginawang pagharap ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa umano’y iregular na paggamit sa Tobacco Excise Tax fund ng pamahalaang panlalawigan.

Sa kanyang pagharap sa Kamara ay pinabulaanan ni Marcos na may kurapsyon sa pagbili ng mga multicab para umano sa mga magsasaka sa probinsya.

Naging emosyunal naman si Marcos at isa isang niyakap ang Ilocos 6.

Sa Agosto a nueve muling itinakda ng komite ang pagdinig hinggil sa nasabing isyu.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *