Ilocos Norte, bubuksan na sa mga Luzon tourist sa October 15
Ikinagalak ng Department of Tourism (DOT), ang naging pasya ni Ilocos Norte Governor Mathew Marcos Manotoc na buksang muli sa mga turista ang lalawigan simula sa October 15.
Ayon kay Tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat, ito ay kahit limitado lamang sa mga Luzon tourist ang pagtanggap ng mga bisita.
Aniya, matagumpay ang lokal na pamahalaan sa paghawak sa mga kaso ng Covid-19 kaya karapat-dapat ang naging desisyon ng Gobernador na buksan ang kanilang mga atraksyon.
Kilala ang Ilocos Norte sa mga tourist attractions gaya ng mga Panoramic ocean views, nakamamanghang Wind farm, Baroque architecture at Sand dunes adventure.
Limampu (50) turista kada araw ang target ng Lokal na pamahalaan.
Kailangan ding dumaan ang bawat turista sa Visitor Management system gaya Visitor Information and Travel assistance (VIS.I.T.A) platform para sa mabilis na contact tracing.
Tiniyak din ng kalihim na patuloy ang pagbibigay nila ng suporta sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng kanilang Regional Office upang masigurong naipatutupad ang mga Health at safety protocol sa mga tourist sites, hotel at iba pang tourism-related establishments.
Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 208 hotel at resorts sa Ilocos Norte ang naisyuhan ng Certificates of Authority.
Onligado ring magprisinta ang bawat biyahero ng negative RT-PCR result test bago payagang makapasok sa lalawigan ganundin ang pagsusuot ng face shield, face mask at pagsunod sa physical distancing.