Ilocos Norte Gov. Imee Marcos hiniling sa SC na ipatigil ang House hearing sa sinasabing maanomalyang paggamit ng tobacco excise tax

Iniakyat na ni Ilocos  Norte Governor Imee Marcos sa Korte Suprema ang kaso ng ‘Ilocos six’ na nakaditene sa Kamara.

Sa kanyang petisyon, hiniling ni Marcos sa Supreme Court na magpalabas ng TRO para ipatigil ang pagdinig ng Kongreso sa sinasabing maanomalyang  paggamit ng 66.45 million pesos na tobacco excise tax ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte.

Nais din ng kampo ni Marcos na ipagutos ng Korte Suprema na palayain ng Kamara ang Ilocos six na sina Josephine Calajate, Encarnacion Gaor, Genedine Jambaro, Evangeline Tabulog, Pedro Agcaoili Jr. at Eden Battulayan.

Hiniling din ni Marcos na mag-isyu ang kataas-taasang hukuman ng Writ of Amparo dahil sa pagbabanta sa kanilang kalayaan.

Ayon sa kampo ng gobernadora, hindi na ‘in aid of legislation’ ang pagdinig ng Kamara kundi isa nang  full blown inquisition na paglabag na sa karapatang pantao.

Nakatakdang magdaos muli ng pagdinig ang House Committee on Good Government and Public Accountability sa isyu sa July 25 at ipina-subpoena ang Gobernadora.

Una nang iniutos ng tatlong beses ng  Court of Appeals  Special Fourth Division sa Kongreso na palayain na ang  anim na empleyado pero hindi ito sinunod dahil walang  hurisdiksyon ang hukuman sa kanila.

Ikinulong sa Kamara noong  Mayo ang Ilocos 6 matapos na hindi masagot ng maayos ang mga katanungan ng House Committee kaugnay sa mga biniling sasakyan ng lokal na pamahalaan gamit ang tobacco excise tax.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *