Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, pinasasailalim na ni Pangulong Duterte sa lifestyle check
Ipinasasailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lifestyle check si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ayon sa Pangulo, nagpa-abiso si Mabilog na nais siyang makausap , subalit hindi siya tumugon kung pagbibigyan ang alkalde.
Sa halip aniya ay ipinasilip niya sa National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenue ang mala-palasyong bahay ni Mabilog.
Si Mabilog ay ilang beses nabanggit ng Pangulo sa kaniyang talumpati na kabilang sa Narco list.
Please follow and like us: